Napatay ang isang umano’y hitman ng New People’s Army (NPA) matapos na lumaban sa tropa ng pamahalaan sa Talacogon, Agusan del Sur, kamakailan.

HITMAN

Sa naantalang ulat na natanggap ni Lt. Col. Romeo Jimenea, commanding officer ng 26th Infantry Battallion (IB) ng Philippine Army (PA), nakilala ang napatay na si “Ka Bernabe”, 28, vice-commanding officer ng Platoon Banglas, Guerilla Front 88 ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) North Eastern Mindanao Regional Committee.

Ang nasabing rebelde ay sugatan nang iwan ng mga kasamahan matapos silang makasagupa ng militar at pulisya sa Barangay Marbon.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Tinangka pa ng tropa ng pamahalaan na isugod sa Talacogon District Hospital ang rebelde ngunit binawian din itong buhay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naunang naiulat na kabilang si “Ka Bernabe” sa mga pumaslang sa  miyembro ng Citizen Armed Forces and Geographical Unit (CAFGU) na si Felipe Amado sa Barangay Lydia, San Luis, nitong Mayo 30.

Ayon sa militar, hindi na naka-duty ni Amado na nakikibahagi lamang sa ‘Brigada Eskwela’ sa lugar nang pagbabarilin ng mga rebelde.

Sinabi pa ng militar, isa rin ang nabanggit na rebelde sa mga tumambang at pumaslang kay Rubencio Salamoren, kapitan ng Bgy. San Pedro, San Luis ng nasabing bayan, noong Pebrero 27, 2019.

-Mike U. Crismundo