CUTE at “very flattering” para kay Gabbi Garcia ang natanggap niyang wedding proposal mula sa isa niyang male fan na kaga-graduate lang sa college.

Gabbi copy

Sa photo shoot ng fan, may hawak itong papel na nasusulatan ng, “Gabbi Garcia graduate na me. Ready na akong pakasalan ka.”

Siyempre pa, may boyfriend na si Gabbi, at hindi papayag si Khalil Ramos na basta na lang magpakasal sa iba ang GF niya. Focus din muna si Gabbi sa kanyang career, bukod pa sa dream din niya nang sumali sa beauty pageant at maging beauty queen.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Lately, mag-a-action star muna si Gabby, dahil intense ang training niya with Jeric Gonzales, Gil Cuerva at Thea Tolentino para sa gagawin nilang action drama series sa GMA-7. Bukod sa firing at shooting na training nina Gabbi at Thea, nagsasanay din sila sa martial arts. Bukod doon, may arnis training din silang apat.

Magtataka ka tuloy kung ano ang role nila sa Rosang Agimat, kung saan makakasama nila ang mahusay na beteranong aktor na si Eddie Garcia, sa direksiyon nina Toto Natividad at Monti Parungao.

“Hard and tiring” ang paglalarawan ni Gabbi sa pinagdadaanan nilang training. Si Thea naman, nagpahayag na sobra siyang honored to be part of the teleserye, dahil iba ang kanyang gagawin. Kung kontrabida man, kakaibang kontrabida raw siya rito.

-NITZ MIRALLES