INIWAN pansamantala ni Dingdong Dantes ang misis niyang si Marian Rivera at dalawa nilang anak dahil kinailangan niyang pumunta sa Palawan para sa anniversary ng hosted niyang Amazing Earth.

Dingdong copy

Puspusan na ang preparasyon para sa nalalapit na anibersaryo ng award-winning infotainment program ng GMA-7 na Amazing Earth.

Bilang paghahanda, lumipad pa si Dingdong kasama ang production team ng show patungong Palawan, upang personal na bisitahin ang Calauit Safari Park, isang game reserve at wildlife sanctuary.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Marami ang natutuwa at nai-inspire sa naturang programa dahil sa pagbibigay nito ng pansin sa kagandahan ng kalikasan at kung papaano ito mapapahalagahan.

Sabi pa nga ng Instagram user na si Marteelee: “Sobrang ganda ng Pilipinas. Maraming salamat sa mga taong tulad nyo @dongdantes na nagbibigay halaga sa ganda ng ating kapaligiran na dapat pangalagaan at mahalin.”

Isang taon na ang nakalipas simula nang umere ang Amazing Earth, at thankful si Dingdong sa experience at sa challenging adventures na naranasan niya nang maging host ng programa.

“Every week, I get to explore beautiful places in our country, and most of them are definitely not easy to get to. We cross islands, climb mountains, hike forests, and walk through sand dunes and grasslands— quite challenging— but I definitely embrace them just to deliver amazing stories about humanity, animals, our beautiful planet earth, and how all of these should co-exist with one another,” tsika ni Dobol D.

Mapapanood ang Amazing Earth tuwing Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.

-Mercy Lejarde