KINILALA ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka, mangingisda, mga asosasyon at natatanging indibiduwal para sa kanilang mga naging kontribusyon sa pagpapayabong ng sektor ng agrikultura at fishery sa Silangang Visayas.

Ang prestihiyosong “Gawad Saka” Award ngayong taon ay idinaos nitong Biyernes sa summit Hotel, sa Tacloban City at 60 indibiduwal at grupo ang ginawaran ng parangal sa rehiyon, dahil sa kanilang “productivity,  innovativeness, community involvement, and entrepreneurship”.

“Our farmers and fishermen deserve this recognition because no matter how rich you are and no matter how expensive your cars are, it’s worthless if no one would produce food for you,” pahayag ni DA Regional Executive Director Milo delos Reyes.

Kabilang sa mga pinarangalan dahil sa kanilang natatanging ambag ay ang mga rice farmers, organic farmers, vegetable producers, farming entrepreneurs, agricultural researchers, agricultural scientists, agriculture at fishery councils, barangay food terminals, coconut farmers, at sugarcane farmers.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kinilala rin ang rural improvement club, farm family, corn farmer, small animal raiser, agricultural scientist, local government units, small water irrigator’s association, agricultural extension workers, local farmer technicians, rural woman farmer, seed innovator, local television program, local radio station, atmga Tacloban-based journalist.

Lahat ng awardees ay nakatanggap ng cash incentives mula sa departamento nang lalong maging inspirado ang mga nagwagi, at maging inspirasyon na rin ng mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.

“This year, media awards were likewise given importance by the DA as we believe in the vital role of our media partners in helping the DA Family spread the good news of modern agriculture and fisheries,” lahad ni DA regional information officer Francis Rosaroso, regional Gawad Saka coordinator.

Ang Gawad Saka ay taunang search program ng DA, at ang pinakamataas na uri ng pagkilala sa mga karapat-dapat ng mga magsasaka at mangingisda, na naging mahalaga ang tungkulin sa iba’t ibang sektor ng agrikultura.

Samantala, umaasa naman si Rosaroso na makasasali ang mga nagwagi sa rehiyon sa national recognition para mas lalo pang maging inspirasyon ng mas marami pang magsasaka sa Silangang Visayas.

Ang farming area ng rehiyon ay 45 porysento o 976,415 ektarya ng kabuuang land area nito.

Sa agricultural lands dito, 70 porsyento ay natatamnan ng puno ng niyog at 20 porsyento ay palay at mais. Ang nalalabing lupa naman ay nakalaan sa ibang sektor ng agrikultura gaya ng pinagtatayuan ng poultry, o inland fishery products.

PNA