Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, magdaraos ang Department of Labor and Employment ng 21 job fairs sa buong bansa.

JOB FAIR

Ayon sa ahensiya, mga trabaho para sa lokal at overseas ang iaalok sa gaganapin na job fair.

Kabilang sa mga nangungunang bukas na trabaho sa loob ng bansa ang production machine operators, production worker/factory workers, customer service representatives, call center agents, sewers, sales clerks, cashiers, delivery crews, service crews, at marketing officers.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Para naman sa mga nais mag-abroad, may iaalok na trabaho para sa mga cleaners, professional nurses (general), waiters/waitresses, service crews, company drivers, registered midwives, staff nurses, English teachers (Japan), janitress, barista, technicians (general), at nursing aides.

Idaraos ang Independence Day Job and Business Fairs 2019 sa mga sumusunod na lugar: Nepo Mall, Dagupan City; Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur; at Union Christian College, San Fernando City, La Union, para sa Region 1.

Sa Region 7, idaraos ang job fair sa Cebu City Sports Complex/ Abellana National School; Lapu-Lapu City, Cebu; at Lamberto L. Macias Sports and Cultural Center, Dumaguete City.

Sa Calabarzon, magbubukas ang job fair sa Pavillion Mall, Biñan City, Laguna; at Liwasang Aguinaldo, Kawit, Cavite. Habang ang para sa Region-4B ay gaganapin sa San Jose, Occidental Mindoro; at Odiongan, Romblon.

Bukod dito magbubukas din ng job fair sa San Andres Sports Complex, Malate, Manila (National Capital Region); Sky Zone, Porta Vaga Mall, Upper Session Road, Baguio City (Cordillera Administrative Region); Peoples Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan (Cagayan Valley); Ayala Malls, Harbor Point, Subic Freeport Zone (Central Luzon); 888 Premier Mall, Bacolod City (Western Visayas); Provincial Covered Court, Catbalogan City, Samar (Eastern Visayas); KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins Road, Zamboanga City (Zamboanga Peninsula); ATRIUM, Limketkai Center, Cagayan de Oro City (Northern Mindanao); NCC Mall Buhangin, Km. 7, Tigatto Road, Buhangin, Davao City (Davao Region); Trade Hall SM City Gensan, General Santos City (Soccsksargen); at PLGU Training Center, Capitol, Butuan City (Caraga).

-Leslie Ann G. Aquino