Bumangga ngayong Linggo ang isang malaking cruise ship sa pantalan at sa isang tourist river boat sa Venice, Italy, at limang katao ang nasugatan.

Nangyari ang aksidente bandang 8:30 ng umaga ngayong Linggo sa Giudecca Canal, pangunahing daan patungo sa Saint Mark’s Square sa hilaga-silangang lungsod.

Batay sa video ng banggaan, hindi nakontrol ng barko ang bilis nito hanggang sa sinalpok ang maliit na tourist river boat at ang pantalan, habang dose-dosenang tao ang tarantang nagpulasan ng takbo.

-Associated Press

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'