Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources-Calabarzon na ligtas pa ring kainin ang isdang Tilapia sa kabila ng nangyaring fish kill sa Taal Lake simula nitong Lunes.

Fish kill sa Taal Lake, nitong Biyernes.

Fish kill sa Taal Lake, nitong Biyernes.

“We are calling on the public to still patronize the remaining stocks. This is not even 25% of one town,” sabi ni DENR-Calabarzon, Regional Executive Director Maria Paz Luna.

Linggo nang magpalabas ang Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) ng babala na ang dissolved oxygen para sa mga isda ay nasa napakababang level na 2.8 parts per million (ppm), kaya naman pinayuhan ang mga may-ari ng fish cages na ilipat ang kanilang mga baklad, o kaya naman ay maghango nang maaga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Batay sa huling datos nitong Biyernes, aabot sa 605 metriko tonelada ng isda, na may pagkaluging P42.9 milyon sa presyuhang P71 kada kilo, ang namatay sa Taal Lake dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng dissolved oxygen sa lawa.

“(We) are monitoring almost 24-7 together with the LGU (local government unit) who laments that the industry and owners are not doing enough as government still has to bear the costs of fuel and some heavy equipment,” sinabi ni Luna sa BALITA.

“We asked for DPWH help and borrowed water pumps to sieve contaminated water through the shore. Owners were scrambling first to save their stocks, ‘yung buhay pa, so naiwan ‘yung patay at nagsimulang mabulok. PAMB now requires them to remove in 24 hours,” dagdag niya.

Ayon sa latest report ng DENR, mayroong 121 fish cages ang apektado ng fish kill sa mga barangay ng Boso-Boso at Gulod sa bayan ng Laurel; at sa Barangay Bañaga sa Agoncillo, Batangas.

Lyka Manalo