Team Standings

(NORTH DIVISION) W L

*Quezon City 4 0

*Caloocan-Arceegee 3 1

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

**Valenzuela-San Marino 3 1

Marikina 1 3

San Juan 1 3

x-Navotas 0 4

(SOUTH DIVISION)

*Makati 4 1

*Bacoor Agimat 4 1

**Pasay 3 2

Las Piñas 3 2

x-Taguig 1 4

x-Parañaque 0 5

* w/ twice-to-beat advantage in Division semis

** w/ twice-to-win disadvantage in Division semis

x-eliminated

NASUNGKIT ng walang talo at defending champion Quezon City ang twice-to-beat advantage, habang nakasiguro ng playoff ang kapwa North Division squads Caloocan-Arceegee at Valenzuela-San Marino matapos ang impresibong panalo sa Metro League 17-and-under boys basketball tournament nitong Huwebes sa San Juan Gym.

MAS papainit ang aksiyon sa semifinals ng Metro League 17U basketball, sa pangunguna ng Quezon City

MAS papainit ang aksiyon sa semifinals ng Metro League 17U basketball, sa pangunguna ng Quezon City

Naisalba ng Junior Capitals ang matikas na pakikihamok ng Solid San Juan-PC Gilmore, 79-75, para makopo ang solo liderato tangan ang 4-0 marka at makamit ang twice-to-beat incentive sa North Division semifinals ng torneo na itinataguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143 as league presentor.

Lireal na hindi pinagpawisan ang Valenzuela via default kontra Navotas, habang dinurog ng Caloocan ang Marikina, 83-47, para makausad sa outright semifinal berth ng North Division sa M-League na suportado rin ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation.

Kapwa tangan ng Valenzuela at Caloocan ang 3-1 karta sa North Division. Magtutoos ang dalawang koponan sa huling laro ng elimination sa Hunyo 4.

Tangan ng Quezon City ang 10 puntos na bentahe bago nakabawi ang karibal, sa pangunguna ni Matthew Calilong para mailapit ang iskor sa 74-75 may 19 segundo ang nalalabi sa laro.

Naselyuhan ang panalo ng Junior Capitals sa krusyal na free throw ni ace gunner Alfonso Buot, tumapos na may 31 puntos at 14 rebounds, habang kumana si Rolan Polizon ng 15 puntos at 14 boards sa torneo na kasangga ang SMS Global Technologies, Inc., Spalding, Team Rebel Sports, PLDT at Manila Bulletin as media partner.

Iskor:

(Unang Laro)

Caloocan (83) -- Gazzingan 20, Estrada 19, Pancho 13, El-hag 10, Santos 6, Gines 5, Principe 4, Lorenzo 4, Cuales 2, Valencia 0, Nieva 0,

Marikina (47) -- Dayrit 11, Avinado 8, L. Reyes 8, Manalac 7, J. Reyes 6, Casais 4, Cruz 3, Copones 0, Basilan 0

Quarterscores: 16-7, 38-20, 58-27, 83-47

(Ikalawang Laro).

Valenzuela (won by default) 20-Navotas 0

(Ikatlong Laro)

Quezon City (79) -- Buot 31, Polizon 15, Rivera 13, Pastrana 9, Valdez 7, Vilaray 2, Nepomuceno 2, Cammayo 0, Dangaran 0, Oyo-a -, Festejo 0

San Juan (75) -- Calilong 14, Rodenas 11, Maglupay 11, Abalos 10, Castro 8, Teodoro 8, Abanico 7, Mabazza 4, Mayono 2, Espina 0, Nieras 0

Quarterscores: 19-21, 38-40, 56-49, 79-75