HONG KONG – Ipinahayag ng National Basketball Association (NBA) na pipili ng kinatawan ang rehiyon sa ilalargang Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp – dalawang araw na camp tampok ang 34 batang lalaki at 34 babae mula sa Asia Pacific, kabilang ang Pilipinas para isabak sa Jr. NBA Global Championship.

KASAMA ng mga piling batang cagers ang mga opisyal at coaches ng Alaska Power Camp at Jr. NBA Philippines

KASAMA ng mga piling batang cagers ang mga opisyal at coaches ng Alaska Power Camp at Jr. NBA Philippines

Ang grassroots youth basketball tournament ay para sa mga atleta na may edad 13-14 mula sa iba’t ibang bansa ay gaganapin sa Agosto 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex ng Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Ang Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp ay nakatakda sa Hunyo 15-16 sa Universitas Pelita Harapan (UPH) sa Jakarta, Indonesia. Kabuuang 68 atleta mula sa 10 bansa sa region – Australia, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Philippines, Singapore, South Korea, Thailand at Vietnam – ang sumailalima t nanguna sa isinawang technical and tactical skills development sa kani-kanilang Jr. NBA Camp.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakdang pumili ng 10 lalaki at 10 babae mula sa camp para katawanina ang Asia Pacific sa Jr. NBA Global Championship sa Agosto.

Ang Jr. NBA program sa Asia ay nakatuon para hasain ang talento at kakayahan ng batang Pinoy sa pagsasanay na nakasentro sa values ng sportsmanship, teamwork, a positive attitude, and respect (S.T.A.R.). Ang Jr. NBA Coaches Academy ay nakapagsanay na ang mahigit 62,000 guro mula sa 37,000 eskwelahan sa buong Asia.

Ang Jr. NBAPhilippines ay binubuo nina (Girls): Dianne Camille Nolasco, 14, Miriam College; Karylle Sierba, 13, Manuel S. Enverga University Foundation; Mikylla Taborada, 14, Corpus Christi School Cagayan de Oro; Justine Mhyrra Vibangco, 13, Saint Joseph Parish School; Princess BJ Marie Villarin, 13, De La Salle Zobel.

(Boys): Henjz Gabriel Demisana, 14, Bacolod Tay Tung High School; Joshua Minguillo, 13, Zhan Paolo Moreno, 14, Xavier University Cagayan de Oro; Sebastian Roy Reyes, 14, Nazareth School of National University, Lionel Metthew Rubico, 14, De La Salle Lipa.