NAKAHANDA na ang mas malaki at mas maaksiyong Sports Festival ngayong weekend sa pagtataguyod ng SMDC.

Kabuuang anim na koponan mula sa iba’t ibang sangay ng SMDC departments ang sasabak sa billiards, table tennis, darts, basketball at volleyball. Hangarin ng SMDC management na maisulong ang malusog na pangangatawan ng mga kawani at stakeholders ng kompanya.

“Our mission is to improve camaraderie among employees,” pahayag ni commissioner at SMDC Vice President Erickberth Calupe. “We have made improvements and put emphasis on making sure everything is smooth and stress-free for our employees.”

Magbibigay din ng kasiyahan ang mga sasabak sa cheerdance at streetdance competition, habang kikilalanin ang Mr. and Ms. Sportsfest.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Calupe, bukod sa mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapagehersisyo, hangarin ng torneo na maiwaksi ng mga kawani ang anumang alalahanin sa buhay.

“We encourage the teams to really participate as this is their chance to meet the employees from the other departments and hopefully meet new friends. This is also a good venue to establish connections and network amongst employees which they can use at work since all departments are linked in SMDC,” pahayag ni Calupe.

Plano ni Calupe na palawakin pa ang programa sa mga susunod na taon.

“We want to make it more competitive and if possible, increase the number of teams,” aniya. “We also to establish clubs that will aim to improve the skills of employees and teach those that would like to learn a specific sport.”