Naglabas ng ilang road safety tips ang Department of Transportation para sa mga estudyante kaugnay ng pagbabalik-eskuwela sa Lunes.

SAFETY

Ang road safety rules ay bahagi ng programang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Eskwela 2019’ ng DOTr.

Ayon sa DOTr, dapat na maging alerto ang mga estudyante sa pagtawid sa daan, gumamit ng pedestrian lane o footbridge sa pagtawid, tumingin muna sa kaliwa at kanan bago tumawid, gamitin ang sidewalk sa paglalakad, at alamin ang mga safety at pedestrian signal.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Hindi dapat na gumamit ng gadget ang mga estudyante habang tumatawid, hindi rin dapat na tumakbo sa kalsada, at huwag na huwag maglalaro malapit sa kalsada o sa parking areas.

Sinabi ng DOTr na dapat na maging alerto sa pagbiyahe at paglalakad ang mga estudyante upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa pagpasok sa paaralan at sa pag-uwi.

“Bukod sa mga naihandang uniporme at gamit pang-eskuwela, mahalaga rin na sila ay alerto sa kanilang pagbiyahe. Para masiguro ang kanilang kaligtasan papasok at pauwi mula sa paaralan,” ayon pa sa DOTr.

Mary Ann Santiago