Good news, Potterheads!

JK Rowling

JK Rowling

Apat na bagong Harry Potter ebooks ang planong ilabas ng award-winning writer na si JK Rowling sa susunod na buwan.

Sa ulat ng BBC, ang Pottermore website ng nobelista ang magpa-publish ng mga kuwento, na nakatuon sa lahat ng bagay sa "wizarding world" at bawat isa ay nakatema sa mga lessons sa pinag-aralan sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mula sa ideya ng British Library exhibition patungkol kay Harry Potter, papangalanan ang serye na Harry Potter: A Journey Through…, hango mula sa audiobook na Harry Potter: A History of Magic at inspired sa pangalan ng 2017 library display.

"Prepare to delve deeper into the rich history of magic (be it our own Muggle history, or the magical world created by JK Rowling) with this new series of eBook shorts," mababasa sa Pottermore site.

Bukod sa pinagmulan ng mahika sa pamamagitan ng history at folklore, tampok din sa eBook na ilalabas ang mga notes, manuscript pages at sketches na una nang nakita sa “Harry Potter: A History of Magic."

Sa Hunyo 27, nakatakdang i-release ang unang dalawang aklat, na nakatuon sa Defence Against the Dark Arts at Potions and Herbology.

Habang ang ikatlo at ikaapat ay tatalakay naman sa Divination at Astronomy kasama ng Care of Magical Creatures.

Ang London-based artist na si Rohan Daniel Eason ang magbibigay ng illustration sa bawat ebook na mababasa sa English, French, Italian, at German.