Mistulang pareho ng kapalaran sina Darna at Pedro Penduko... pareho silang na-give up.

James Reid

James Reid

Matapos mag-resign nina Angel Locsin at Liza Soberano bilang Darna sa movie remake ng Star Cinema, heto at biglang inihayag ng Viva Films na bumitaw na rin si James Reid sa pagbibida sa action-fantasy film na Pedro Penduko.

Nabasa namin ang balitang ito sa online site na Pika Pika, ni Anna Pingol, nitong Biyernes nang madaling araw, na ikinagulat namin at ng iba pang katoto.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Nagtatanungan ang mga katoto paglabas ng balita kung anong nangyari kay James. Hindi naman kasi nabalitang may spine injury siya, ang alam lang ay nagkaproblema siya sa balikat.

Anyway, narito ang official stement ng Viva Films:

“Viva Films regretfully announces that it has accepted the withdrawal of James Reid from the movie Pedro Penduko for medical reasons.

“James has spinal injuries and the film Pedro Penduko involves intensive training and major stunts.

“His regular therapy and treatment prohibits him to train hard or perform for the rigid requirements.

“James has spent over a year training and getting ready for this film and Viva truly appreciates his dedication and commitment to this project. Viva respects James decision and wishes him a speedy recovery.”

Samantala, may kapalit naman ang Pedro Penduko ni James, at tiyak na ikagagalak ito ng supporters nila ng girlfriend niyang si Nadine Lustre. Inihahanda na kasi ang balik-tambalan nila sa remake ng Korean film na romantic-comedy-horror na may titulong Spellbound, batay din sa pahayag ng Viva.

“In the works is a reunion movie with Nadine Lustre. It will be a remake of the hit Korean movie, Spellbound,” saad sa statement ng Viva.

Ang nasabing Korean film ay may English title na My Girlfriend Can See Ghosts, na ipinalabas sa Korea noong Disyembre 2011, at kumita ng US$18.8 million, sa direksiyon ni Hwang In-Ho. Sina Son Ye-jin at Lee Min-Ki ang lead stars sa nabanggit na pelikula.

Si Lee Min-Ki ay kilalang singer-actor-model, at bida siya sa mga pelikulang Love Truly in 2006, Dal-ja's Spring noong 2007, Because This Is My First Life noong 2017, at The Beauty Inside noong 2018, base sa Wikipedia.

Si Son Ye-jin ay kilalang aktres at nagbida sa mga TV series na The Classic, Summer Scent, A Moment to Remember, at April Snow.

Hindi lang namin sigurado kung sino ang magdidirehe ng Spellbound ng JaDine.

“As of now wala pang final,” sabi sa amin ng taga-Viva.

Going back to James, kasalukuyan pa rin siyang napapanood sa Idol Philippines bilang isa sa mga hurado, kasama nina Vice Ganda, Moira dela Torre, at Regine Velasquez, tuwing Sabado at Linggo, sa ABS-CBN.

Reggee Bonoan