Mga Laro sa Lunes

(Paco Arena, Manila)

2 p.m. - CEU vs St. Clare College Virtual Reality

4 p.m. - Valencia City Bukidnon-SSCR vs Cignal-Ateneo

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

GINULANTANG ng 7-man Centro Escolar University ang kumpletong koponan ng Go for Gold-CSB, 84-74, nitong Huwebes upang makamit ang huling slot sa 2019 PBA D-League semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Gaya ng mga nauna nilang panalo, todong effort ang ibinigay ng Senegalese slotman ng Scorpions na si Maodo Malick Diouf na lumarong walang palitan sa loob ng 40 minuto kung saan umiskor ito ng 25 puntos, 29 rebounds, 3 assists, 2 steals, at 2 blocks.

“I’m happy for the boys, lalo na yung naglarong seven, lalo na kay Malick. He’s been our game changer sa league na ito,” wika ni coach Derrick Pumaren.

Nagdagdag naman si Jerome Santos ng 15 puntos at 6 rebounds kasunod si Rich Guinitaran na may 11 puntos sa naturang panalo ng Scorpions.

Nakatakdang makasagupa ng CEU sa best-of-three semifinals ang St. Clare College Virtual Reality.

Naging emosyonal at makahulugan ang nasabing panalo para sa CEU na hindi pinalaro at sinuspinde ang mga manlalarong sina Judel Fuentes, Tyron Chan, Jan Formento, Christian Uri, Keanu Caballero, John Rojas, at John Lisbo dahil sa pagkakasangkot nila sa game-fixing.

“Yung seven players, na-involve sa game-fixing and we have strong evidences and they admitted it and they’re out of the team. We cannot tolerate it,” ayon kay Pumaren. “Yung game na mahal natin, parang nababoy at parang hindi tama yun. Masyadong unfair sa mga gustong maglaro.”

Pinangunahan naman ni Roosevelt Adams ang natalong Go for Gold-CSB sa itinala nitong 26 puntos at 11 rebounds.

-Marivic Awitan