Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:30 n.h. -- NLEX vs Columbian Dyip
6:45 n.g. -- Northport vs Ginebra
PATULOY ang pananalasa ng Northport. Magawa kaya nilang makahirit sa Barangay Ginebra?
Target ng Northport ang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa crowd-favorite Kings upang manatili sa pamumuno sa tampok na laro ngayong gabi ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kasosyo ng Batang Pier ang Blackwater sa maagang liderato tangan ang parehong 4-0 karta.
Sa panig ng kanilang katunggali, back-to-back wins naman ang target ng defending champion Kings kasunod ng nakaraan nilang 110-95 na panalo kontra Meralco.
Matinding bakbakan ang mamamagitan sa dalawang koponan partikular sa kanilang mga reinforcements na sina Prince Ibeh at reigning Best Import na si Justine Brownlee.
“Magandang start ito para sa amin, 3-0 ,” wika ni coach Pido Jarencio ng Northport. “Talunin ang isa sa mga contenders sa liga. Happy ako for the team. All about team effort, nasa direksyon kami kung ano goal namin this conference.”
Muli namang sasandig ang Kings sa liderato ni Brownlee na umiskor ng 27 puntos, 12 rebounds at 8 assists sa nakaraang panalo sa Meralco Bolts.
Ganap na 6:45 ng gabi ang pagtutuos ng Batang Pier at Kings kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng NLEX at Columbian Dyip ganap na 4:30 ng hapon.
Mag-uunahang makapasok sa win column ang parehas pa ring winless na NLEX at Columbian Dyip na kapwa nabigo sa naunang tatlo nilang laro.
-Marivic Awitan