Tumaas ang presyo ng mga gamit pang-eskuwela sa Cebu, ayon sa Department of Trade and Industry.

PRESYO (21)

Ipinahayag ng opisyal ng DTI-Cebu na si Dinah Gladys Oro, aabot sa anim na porsiyento ang itinaas ng presyo ng school supplies na mas mataas kumpara nitong nakaraang taon.

Kabilang aniya sa mga apektado ng price increase ang pad paper at spiral at composition notebooks, lapis, ballpen, at krayola.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Isinisi nito ang price adjustment sa pagtaas ng raw materials na ginagamit sa paggawa ng mga school supply.

Inabisuhan din ni Oro ang mga magulang na maging mapagmatyag at tiyakin muna ang kalidad ng mga gamit pang-eskuwela bago bilhin.

-Calvin D. Cordova