Isang magandang balita ang bumungad sa Hunyo dahil sa inaasahang P5 hanggang P5.60 rollback sa presyo ng LPG sa Hunyo.

Para sa 11-kilong tangke ng LPG, katumbas nito ang P55 hanggang P61.60 bawas-presyo, ayon sa initial calculations ng mga kumpanya ng langis.
Dahil dito, inaasahang bababa rin ngayong Hunyo ang presyo ng LPG na ginagamit sa sasakyan, partikular na ng mga taxi.
Para sa presyo ng gasolina, tinatayang magro-rollback ito sa susunod na linggo ng hanggang P1 kada litro, at P0.70-P0.80 naman ang tapyas sa kada litro ng diesel.
Ang nasabing price rollbacks ay ipatutupad bukas, Hunyo 1, na ibinatay sa mandato ng Department of Energy (DoE) na mag-adjust sa presyo ng LPG tuwing unang araw ng buwan.
-Myrna M. Velasco