Patay ang isang helper nang madulas sa scaffolding at mahulog mula sa ika-27 palapag ng ginagawang gusali sa Barangay Wack-wack, Mandaluyong City, nitong Huwebes.

HELPER_ONLINE

Dead on the spot si Bimbo Barsobia, 26, ducting helper ng New Golden Construction Builders (NGCB), dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, naganap ang insidente sa pinapasukang construction site ng biktima sa Julia Vargas Street, kanto ng EDSA Southbound, sa Bgy. Wack-wack, bandang 5:00 ng hapon.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Sa salaysay ni Kim Menor, 23, installer, nagkakabit ng air duct system ang biktima, sa tabi ng elevator shaft na nasa ika-27 palapag, nang madulas sa scaffolding.

Nawalan ng balanse ang biktima at bumagsak sa catch board na nasa ika-17 palapag.

Agad na rumesponde ang safety officer na si Teresita Natividad, ngunit patay na ang biktima kaya ini-report na lamang sa awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon.

-Mary Ann Santiago