SA latest Instagram video na ipinost ni Gabbi Garcia, makikitang wala siyang pag-aalinlangan sa pag-eensayo sa paghawak at pagpapaputok ng baril, bilang paghahanda sa kanyang upcoming GMA series.

Gabbi

Pinasalamatan ni Gabbi ang three-time speed shooting champion na si Jethro Dionisio na nagsilbing mentor niya sa shooting range.

Bukod sa pagiging fast learner, na ikinatuwa ng kanyang mentor, marami ring netizens ang napahanga ni Gabbi sa postura at sa diretsahan niyang paggamit ng baril.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Biro pa nga ng Instagram user na si ladytulio: “Hindi na brilyante ang hawak, hihi”, tungkol sa karakter dati ni Gabbi na Alena, sa remake ng Encantadia noong 2016.

Mukhang bagong Gabbi na naman ang matutunghayan ng Kapuso viewers sa latest show niya sa GMA Telebabad!

Bukod kay Gabbi, makakasama niya sa bago niyang serye ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Ms Chanda Romero, Tonton Gutierrez, Thea Tolentino, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Luz Valdez, Aubrey Miles, Victor Neri, Roi Vinzon, Betong Sumaya at ang nagbabalik-Kapuso na si Eddie Garcia.

-Mercy Lejarde