Binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang pagmamahal sa kanyang partner na si Honeylet Avanceña, sinabing nakatadhana itong maging kanyang First Lady.

Honeylet Avanceña at Pangulong Rodrigo Duterte (RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO)

Honeylet Avanceña at Pangulong Rodrigo Duterte (RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO)

Ipinahayag ito ni Duterte sa harap ng Filipino community sa Tokyo, nitong Huwebes.

Sa kanyang talumpati, ginunita ni Duterte kung paano niya pinabalik si Avanceña sa Pilipinas nang malaman niyang buntis ito sa kanilang anak na si Veronica o Kitty.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"No guarantees kung ano titulo mo, but it's really a destiny na maging First Lady ka," aniya.

"Pero kung mayroon gusto sumunod, OK lang naman," dagdag niya.

Unang nagkita sina Duterte at Avanceña noong unang termino niya bilang alkalde ng Davao City, nang koronahan si Avanceña bilang 1988 Mutya ng Dabaw runner-up.

Ibinahagi ni Duterte na napagtanto niyang mahal niya si Avanceña nang iwan siya nito para magtrabaho sa Amerika, gaya ng kanyang unang asawang si Elizabeth Zimmerman.

"Iniwan din n'ya ako. My God, ang babaeng ito, mahal ko talaga," aniya.

Si Duterte ay may tatlong anak kay Zimmerman— sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, incoming Davao City Rep. Paolo Duterte, at Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte.

KISS FEST

Matapos na ihayag ang pagmamahal sa kanyang long-time partner, naglakad si Duterte at hinalikan sa pisngi ang limang Pinay habang kasama si Avanceña sa entablado.

Nagsimula ang mga paghalik ni Duterte sa mga babae matapos niyang gunitain kung paano siya binatikos nang halikan niya sa labi ang isang Pinay na may asawa na nang bumisita siya sa South Korea noong Hunyo 2018.

"Nakakahiya naman noong sa Singapore ba ‘yon o Hong Kong? Ah Singapore. Ah Korea? ‘Yung hinalikan ko? Siyempre sa… iyon lang man ang bayad ninyo sa akin," biro niya.

"Pero maghalik ako ganun, lips to lips talaga. Sino ngayon ang mag-volunteer?" dagdag niya, kaya ang ilang babaeng manonood ay tumayo at nagtaas ng kamay, at humiyaw upang makuha ang kanyang atensiyon.

Hanggang sa mapansin ni Duterte ang tatlong Pinay na nakaupo sa harapan.

"Itong tatlo na ito ang tatapang ng… ikaw, ma’am? Unang-una wala kang asawa, ha. Pangalawa, hindi ka menor de edad?" tanong ng Pangulo.

-Argyll Cyrus B. Geducos