PANALANGIN at Suporta.

Ito ang personal na kahilingan ni Rio Olympic silver medalist Hidilyn Diaz sa mga kababayan at sports officials sa kanyang pagtatangka na makabalik sa Olympics at makamit ang matagal nang pangarap ng sambayanan – gintong medalya.

Iginiit ng 27-anyos na pambato ng Zamboanga City na walang ipinag-iba ang daan na tatahakin niya para makalaro sa 2020 Tokyo Olympics at matindi ang pangangailangan niya sa pagsasanay at paglahok sa qualifying meet upang makasikwat ng slots sa quadrennial meet.

“Back to zero ako. Just like any other athletes vying for the Olympics, kailangan kong dumaan sa qualifying meet. Targetr ko makapasok sa Top 8 sa aking weight category na 55 lbs. para makalaro sa Olympics,” pahayag ni Diaz.

“Hindi na po tayo bumabata, kaya itong Tokyo Games ang tingin ko na huling Olympics ko kaya ibubuhos ko nap o ang lahat para sa minimithing gintong medalya,” sambit ni Diaz sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Inamin ni Diaz na kinumbinsi niya si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butc; Ramirez para maaprobahan ang apat na qualifying meet sa target niyang anim na lalahukan para makalusot sa Tokyo Games.

“Justify kop o kay Chairman Ramirez kung bakit kailangan kop o na magtraining dito at lumaban sa qualifying meet doon. Talagang malaking budget po ang kailangan, pero naunawaan naman po ako ni Chairman Ramirez,” aniya.

“Kailangan makapasok ako sa top eight sa akin division 55kg. para makapaglaro sa Tokyo Olympics,”

Nakatakdang tumulak patungong China ang tinaguriang ‘HD Team’ ni Diaz para mag training dalawang buwan sa Jiling province malapit sa Beijing bilang paghanhanda sa World Weightlifting gagawin sa September sa Chiang Mai, Thailand at Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre kung saan ipagtanggol niya ang korona.asama ni Diaz ang kanyang Chinese coach si Kai Weng Gao para gabayan siya sa kanyang training at i-refine to perfection ang kanyang lifting skill bilang paghahanda sa torneo sa Thailand kun saan muli nanam mapapalaban sa mga bigating karibal.

“I am facing the same lifters I met in Brazil. Ang goal ko makapaglaro uli sa Olympics. Para matupad ko kailangan handa ako at 100 percent in top shape,” ani Diaz sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, Community Basketball Association (CBA), NPC at HG Guyabano Tea Leaves Drink ni Mike Atayde.

“The two months training is very important in her preparation for the World Weightlifting in Thailand,” aniya.

Samantala, nanawagan si Diaz sa kapwa atleta na magensayo at huwag nang makisawsaw sa nagaganap na iringan ng mga sports officials.

“Training po tayo. Ang sambayanan po ay sumusuporta sa atin kaya dapat na masuklian natin ito. Hayaan natin ang mga opisyal na ayusin nila an gkanilang hanay,” pahayag ni Diaz, miyembro ng Athletes Commission ng Philippine Olympic Committee.

-Edwin Rollon