Napatay ang isang Dutch na bihag ng Abu Sayyaf mula pa noong 2012, at anim na bandido sa isang sagupaan sa Patikul, Sulu, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawing bihag na si Ewold Horn, isang bird spotter, taga-Groningen, Netherlands.
Napatay din si Mingayan Sahiron, ang ikalawang asawa ni ASG leader Radulan Sahiron.
Narekober ng tropa ng pamahalaan ang bangkay nina Horn at Mingayan sa mismong encounter site.
Matatandaang dinukot ng mga bandido si Horn, kasama ang isa ring birdwatcher na si Lorenzo Vinciguerre, taga-Switzerland,
sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi, noong 2012.
Gayunman, nasagip ng militar si Vinciguerre sa isang operasyon sa Patikul, Sulu, noong Disyembre 2004.
Sa report, si Mingayan ay kabilang sa anim na miyembro ng ASG na napatay ng mga tauhan ng 32th Infantry Battalion (IB)
sa engkuwentro sa Sitio Bud Sub-Sub, Barangay Pansul, dakong 7:30 ng umaga.
Sugatan sa bakbakan ang 12 na bandido at walong sundalo. Patuloy pa ring tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga bandido na tumakas patungong kabundukan, ayon pa sa ulat.
-Nonoy E. Lacson