Isang 10-araw na sanggol ang dinukot sa loob ng ospital sa Novaliches, Quezon City ngayong linggo.

BABY

Sinabi ni Lt. Col. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police Station 4, na Huwebes nang nagtungo sa presinto si Aizel Suing, 16, at ina nitong si Elmalyn Tan, kapwa taga-Barangay Kaligayahan, upang i-report ang insidente.

Ayon kay Suing, kalalabas lang niya sa Novaliches District Hospital nitong Miyerkules makaraan niyang isilang sa pagamutan ang kanyang anak na babae nitong Mayo 20.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Batay sa police report, palabas na si Suing sa ospital bitbit ang sanggol bandang 5:25 ng hapon nang isang babaeng nakasuot ng pink blouse na may scarf at maong pants ang lumapit sa kanya.

Sinabi ni Suing na bigla na lang umanong hinablot ng hindi pa nakikilalang babae ang kanyang sanggol at nagmamadaling umalis sa ospital.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Nirerebyu na rin ang mga kuha ng CCTV sa loob ng pagamutan upang makilala at matugis ang suspek.

-Alexandria San Juan