ILANG linggo pa lamang nakababalik si international singer-stage actress Aicelle Santos mula sa mahigit isang taon niyang performermance as Gigi sa Miss Saigon UK Tour, ay sunud-sunod na ang performances niya here and abroad. Ilang beses na rin siyang tumanggap ng mga awards sa iba’t ibang award-giving bodies na patungkol sa musika.

Aicelle

Mapalad na naiuwi ni Aicelle ang latest award na Outstanding Female Lead Performance in a Musical Award. Ito ay para sa katangi-tanging pagganap niya bilang si Elsa sa Himala, Isang Musikal sa 11th Philstage Gawad Buhay ng ginanap sa Onstage Theater, Makati City last May 27.

Thankful si Aicelle dahil sa ilang taon na raw niyang karera sa larangan ng musika at teatro, isa lamang ang parangal na ito sa mga prestihiyosong awards na natanggap niya. Ginampanan ni Aicelle ang role ni Elsa na unang pinagbidahan ng Superstar na si Nora Aunor mula sa pelikula nitong Himala noong ‘80’s.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Si Aicelle ang isa sa mga masuwerteng nakasungkit ng gantimpala mula sa Gawad Buhay sa magkasunod na taon.

Kaya panay ang pasasalamat niya na ipinost pa niya sa kanyang Instagram: “Ang gampanan si Elsa at maging bahagi ng produksiyong punum-puno ng puso at pagmamahal, sa harap at likod ng entablado ay napakalaking tagumpay at karangalan. Dagdag biyaya na po ang mga parangal mula sa PhilStage Gawad Buhay, maraming salamat.”

Regular ngayong napapanood si Aicelle tuwing Linggo sa variety noontime show na Sunday PinaSaya at sa Studio 7, after ng Daig Kayo ng Lola Ko.

-NORA V. CALDERON