NAG - STORYCON noong Wednesday ang bagong pelikulang gagawin ni Sarah Geronimo na may pamagat na Unforgettable. Makakasama ni Sarah sa pelikula sina Yayo Aguila, Ara Mina, Meg Imperial, Kim Molina at Ms. Gina Pareo at ang mag-asawang sina Jun Lana at Perci Intalan ang magdidirehe.

Sarah copy

“For the first time, @percinotpercy and I are co-directing a film starring no less than @justsarahgph and all these talented women,” post ni Direk Jun.

Mababasa ang excitement nina Ara at Meg na first time ididirek nina Direk Jun at Perci at tiyak na maganda ang resulta ng pelikula.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

Women empowerment yata ang tema ng pelikula dahil walang nabanggit na leading man si Sarah at pati ang ibang female cast.

Tanong lang namin, iba kaya ang Unforgettable sa pelikula ni Sarah na ididirehe sana ni Jun at aso ang kasama? Parang nakapag-look test na sina Sarah at ang aso, hindi na kaya tuloy ‘yun?

Samantala, walang kasalang nangyari kahapon, gaya ng inasam ng fans nina Sarah at Matteo Guidicelli na kasal ang tinukoy ni Sarah sa post niyang “5.30.” It turned out na launching ng make-up line ng singer-actress na Pop Studios ang post ni Sarah at ang update pa nga, naurong ang launching nito sa New Frontier Theater bukas.

Saka, paano nga naman ikakasal ang dalawa kung si Matteo ay nasa loob ng Camp Tecson at nagti-training kasama ang Scout Rangers at si Sarah ay busy sa kanyang career?

-Nitz Miralles