Binalaan kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa nalalapit na pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

WET SEASON (1)

Sa abiso ng PAGASA, inaasahang idideklara nila ang pormal na pagpasok ng rainy season sa unang bahagi ng Hunyo kung saan inaasahang hahagupit ang isa o dalawang bagyo.

Sa nakaraang pag-aaral ng PAGASA, karamihang naitatala ang paghagupit ng bagyo sa Hunyo habang ang iba naman ay lumilihis na lamang.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kaugnay nito, makararanas naman ng maulap at kalat-kalat ngunit malalakas na pag-ulan ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino, sa susunod na mga araw.

Inaasahan namang magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan ang Metro Manila at iba pang bahahi ng bansa na may kalat-kalat na pag-ulan bunsod ng localized thunderstoms.

Babala rin ng ahensiya, ang mararanasang pag-ulan sa buong kapuluan ay posibleng magdulot ng flashflood at landslide sa mabababa at mabundok na lugar.

-Ellalyn De Vera-Ruiz