MUNTIK na raw maging monk si Raymond Bagatsing.

Raymond

Ito ang ikinuwento ng bida ng Quezon’s Game nang gawin niya ang kakaibang paraan ng meditation na natutuhan niya sa Los Angeles, 20 years na ang nakalilipas.

“I got on a tantric spiritual path about 20 years ago. I was initiated by an Indian monk,” sinabi ni Raymond sa isang panayam nitong Lunes. “I almost became a monk when I was in LA. That’s something you don’t know.”

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Bukod sa pagpa-practice ng Tantric meditation, isang certified Yoga instructor din si Raymond. “I’m also a certified yoga instructor (in the US). I don’t get to teach but I practice. And give advice to people who ask me for advice,” sabi ni Raymond, idinagdag na may dalawa hanggang apat na oras siyang nagme-meditate kada araw.

Samantala, sa parehong panayam, ikinuwento ni Raymond na dati niyang binigyan ng one-on-one acting workshop ang kapatid niyang si RK Bagatsing noong 10 years old pa lang ito.

Nang tinanong kung ano sa tingin niya ang bagay na proyekto sa kanilang magkapatid, sagot ni Raymond: “I think edgy na medyo drama, sibling rivalry maybe. A little bit of action and a lot of drama.” Showing na simula kahapon, May 29, ang award-winning historical film na Quezon’s Game, kung saan gaganap si Raymond bilang si dating Pangulong Manuel L. Quezon. Gaganap naman bilang misis niya, si Doña Aurora Quezon, si Rachel Alejandro, sa direksiyon ni Matthew Rosen.

-Ador V. Saluta