BILANG pagkilala sa liderato ni Abraham ‘Baham’ Mitra bilang Chairman ng Games and Amusements Board (GAB), itinalaga siya ni World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman bilang miyembro ng WBC Ranking Committee.

BUO ang tiwala ni WBC president Mauricio Sulaiman kay GAB chief Baham Mitra (kaliwa).

BUO ang tiwala ni WBC president Mauricio Sulaiman kay GAB chief Baham Mitra (kaliwa).

Ipinahayag ang bagong responsibilidad ng dating Palawan Governor at Congresman sa ginanap na WBC Board of Governors Meeting and North American Boxing Convention kamakailan sa Honolulu, Hawaii.

“I’m very happy with this appointment by the WBC. Hindi lang personal na karangalan ito para sa akin, kundi malaking karangalan din para sa ating bansa,” pahayag ni Mitra sa opisyal na pahayag sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“While I fully understand the tremendous responsibility being given to me as a member of the WBC ratings committee, I welcome it as a new challenge to me,” sambit ni Mitra, itinalaga ng Pangulong Duterte sa GAB nitong 2016.

“Ito ay isang pagkilala din ng WBC sa kakayahan nating mga Pilipino na mamumuno hindi lang dito sa atin kundi sa world boxing,” aniya.

Isang taon matapos isulong ang reporma sa GAB, tampok ang libreng medical para sa mga boxers, ipinagkaloob ng WBC ang ‘Commission of the Year’ sa GAB sa WBC Convention noong 2017.

Sa pagkakatalaga, nasundan ni Mitra ang mahalagang papel sa WBC na ginampanan nina dating GAB Chairman Justiniano Montano, Jr. at lawyer Rodrigo Salud, naging WBC president and secretary-general, ayon sa pagkakasunod at si dating Olympian swimmer Eric Buhain.

”The WBC, considered as the most prestigious governing body in boxing, owes its existence to the Philippines with Montano and Salud at the helm. It’s a big shoe for me to fill now, but I will do my best as member of the ratings committee,” ayon kay Mitra.

Sa pamumuno rin ni Mitra, matagumpay na isinagawa sa bansa ang WBC Women’s Annual Convention at first WBC Asian Summit noong Nobyembre 16-19 sa Philippine International Convention Center

-EDWIN ROLLON