KAMAKAILAN ay nagkaroon ng stage debut ang isang Filipino-Korean dance group na binubuo ng mga bata, sa isang concert sa Seoul kasama ang ilang K-pop stars.

Dream Key10z

Tinatawag na Dream Key10z, ang grupo ay binubuo ng 10 miyembro na edad walo hanggang 15 na mula sa mga Filipino-Korean families. Ang mga miyembro nito ay ang magkapatid na sina Kwan-seung, 11, at Jung-hyun Park, 10; Lee Ye-in, 11; Althea Sophia Jastiva, 15; Eun-jeong Ko, 8; Soo-ryeon Park, 10; Seong-hyun Lee, 11; Jeong-hyeon Hwang, 8; Tae-rin Kim, 9; at Ye-seul Hong, 12.

Naganap ang kanilang stage debut sa Let’s Fly: One & One concert nitong May 24 sa Jangchung Arena sa Seoul na pinagtanghalan din ng girl groups na Momoland at Mamamoo, Koyote, at ni Song So-hee.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Sa concert, umindak ang Dream Key10z ng kanta ng Mamamoo na Gogobebe, Boy With Luv ng BTS, BBoom-BBoom at Baam ng Momoland, ng Otso-otso ni Bayani Agbayani at Gangnam Style ni Psy.

Tinatawag ding DK10z ang grupo kung saan ang D stands for “dream, dance, and diversity” and K for “key, kids, and Korea.”

Ang Dream Key10z ay binuo ng Filipino Korean Heritage Association (FILKOHA), ang grupong itinatag noong 2017 at binubuo ng mga nag-migrate na Pinoy, na aktibong nag-oorganisa ng mga aktibidad para sa mga Pilipino at Filipino-Koreans sa South Korea, at Korea Cultural Diversity Organization (CDO-Korea), na kapwa pinamumunuan ni dating National Assembly of Korea member Jasmine Lee.

Unang nagkakilala ang mga miyembro noong April 27 at sinanay ng Pinoy choreographer na si Jeleno Ermas, isang dance instructor mula Cebu; at ng musical actress na si Cherish Maningat. Si Michael Cabahug naman ang responsible sa music arrangement ng mga performances ng DK10z.

“Thank you so much! This helped me be more confident to perform on a big stage without fear in the future!,” pahayag ng miyembrong si Althea pagkatapos ng concert.

Ang Let’s Fly: One & One concert ay inorganisa ng C.A.C (Healing Concert with Asian Children) Organizing Committee at hosted by the Republic of Korea meetings, incentives, conferencing, exhibitions (M.I.C.E.) service group.

Ang kinita mula sa concert ay ido-donate sa mga biktima ng domestic violence sa Korea at ng isa pang bansa sa Asya. Ngayong taon, ang Pilipinas ang napiling recipient. Ang konsiyerto ay taun-taon nang isasagawa upang makatulong na makalikom ng pera para sa mga batang nakaranas ng pang-aabuso.

Sa June 1, maghahandog ang CDO-Korea at FILKOHA, katuwang ang Seoul Metropolitan Government, ng bilingual musical theater training para sa mga batang Filipino-Korean na nangangarap na magtanghal sa entablado bago magtapos ang taong iton, bilang paghahanda sapagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng bilateral relations ng Pilipinas at Korea.

Si Maningat ang mamumuno sa acting at singing lessons habang si Ana Park ang magbibigay ng Tagalog lessons at ang musical actress na si Eun-hee Lee ang magtuturo ng choreography.

-JONATHAN HICAP