Hindi dapat magtaas ang presyo ng mga local pork products sa kabila ng import ban sa mga karneng mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa opisyal ng Department of Agriculture (DA).
Sa Palace press briefing, sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na tiniyak ng hog raisers ng bansa sa may sapat na supply ng karne ng baboy kaya dapat manatili ang presyo nito sa ngayon.
Ipinarating ito sa mga local hog farmers sa pagpupulong kasama angDA officials, sa pinaigting na protektahan ang P200-billion hog industry.
"That's one of the topics in the meeting. The Secretary wants to know that if we are secure in terms of local supply so our hog sector guaranteed that they can, they will be able to supply the local demand," sinabi ni Cayanan sa Palace press briefing, tinutukoy si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.
"Hindi po dapat," sagot niya nang tanungin kung hindi dapat tumaas ang presyo ng mga produktong karne.
Gayunman, nagbabala si Cayanan hinggil sa pang-aabuso ng ilang tinder sa produktong karne sa gitna ng pansamantalang import ban mula sa mga bansang may ASF. "That's something we really have to look out also, the speculations," aniya.
Nagpatupad ang pamahalaan ng temporary ban sa pagpapasok ng mga karne at produktong mula sa bansang tinamaan ng ASF, ang nakamamatay na sakit ng mga baboy na walang gamot.
-Genalyn D. Kabiling