PORMAL nang sinimulan ang aksiyon sa 7th Philippine National Para Games sa Bulacan Sports Complex.

Mismong ang mga superstar athletes ng Para Games na sina Table tennis Paralympic bronze medalist Josephine Medina at Singapore World Para Swimming Series silver medalist na si Ernie Gawilan ang siyang nanguna upang pormal na simulan angmga laro sa apat na araw na kompetisyon.

Higit sa 1,010 para athletes buhat sa 72 local government units ang nakilahok sa nasabing torneo kung saan tampok ang mga larong archery, para athletics, para swimming, chess, judo, table tennis, boccia, para powerlifting, goalball, sitting volleyball, badminton, tenpin bowling, at wheelchair basketball.

Isinama naman ang cycling bilang isang demo sport.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Binigyang inspirasyon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ang mga ating mga atleta na may kakibang kakayahan sa kanyang naging talumpati sa opening cremony kamakalawa.

“It is always a special moment for me to see our para athletes flourish in the sport that they love and discover the golden gift in them,” ayon sa PSC chief.

Kasamang pinasinayaan ni Ramirez ang pagbubukas ng PNPG sina Commissioner Arnold Agustin at Philippine Paralympic Committee President Mike Barredo.

-Annie Abad