Nabigo ang mga tauhan ng New People's Army (NPA) sa tangkang pagsalakay sa Manolo Fortich Police Station sa Bukidnon nang maharang ang mga ito sa isang checkpoint sa nasabing lugar, nitong Martes ng gabi.

ATTACK (3)

Ayon kay Civil Military Operations officer, Major Frankjo Boral, ng 1st Special Forces Battalion ng Philippine Army, hindi nakalusot sa ikinasang checkpoint ng mga civilian volunteer ang grupo ng mga rebelde sa Sitio Aurora, Barangay Sto. Niño ng nasabing bayan, dakong 10:45 ng gabi.

Pinaputukan na lamang aniya ng mga rebelde ang mga nakabantay sa checkpoint habang umaatras ang mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil aniya sa pagkadismaya, sinunog na lamang ng mga rebelde ang ilang sasakyan, kabilang ang dalawang motorsiklong na gagamitin sana nila sa paglusob sa nasabing presinto.

Narekober din ng militar sa lugar ang ilang basyo ng cal.45, AK-47, M-16 assault rifles, dalawang L-300 van, isang Isuzu Elf truck, at isang Toyota Hilux pick-up truck.

Paniwala ng mga awtoridad, pawang carnap ang mga nabawing  sasakyan.

Nagsasagawa pa rin ng operasyon ang militar at pulisya laban sa mga tumakas na miyembro ng NPA.

-Jay Orias