Arestado ang 65-anyos na lalaki nang masamsaman ng P10 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Pateros, nitong Martes.

LOLO_ONLINE

Kinilala ang suspek na si Angelo Reyes, 65, ng Alley 12, Barangay Sta. Ana, Pateros.

Sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, M/Gen. Guillermo Eleazar, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Pateros Police Station laban sa suspek sa loob ng minamanehong Toyota Altis, sa Bgy. Sta. Ana, bandang 5:30 ng hapon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nasamsam sa suspek ang 1.5 kilo ng umano’y shabu, na nakabalot sa tea bags, P1 milyong cash, timbangan at walang lamang mga pakete.

Si Reyes ay kabilang sa drugs watchlist ng pulisya.

Patuloy na inaalam ng NCRPO kung konektado si Reyes sa illegal drug trade na ino-operate ng mga Chinese sa katimugang Metro Manila at Laguna.

Nakakulong si Reyes sa Pateros Police, at kakasuhan sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Bella Gamotea