Pormal nang nanumpa kahapon si Supreme Court (SC) Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting sa loob ng session hall ng Supreme Court sa Padre Faura Street, Ermita, Maynila.

Sinaksihan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang panunumpa ni Inting.
Si Inting ang pinakabagong miyembro ng Supreme Court Justices, matapos na punan ang binakanteng posisyon ni Bersamin nang mahalal na SC chief.
Si Inting ay nagtapos sa Ateneo De Davao University, nagtrabaho sa Quezon City Regional Trial Court bilang hukom bago naging CA justice noong 2012.
Kapatid siya ni dating CA justice at ngayon ay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Socorro Inting.
-Beth Camia