NAIS isulong ng Department of Education (DepEd) 1 (Ilocos region) ang scouting at sports sa edukasyon sa pamamagitan ng “Happy School Movement”.
Kasabay ng pagbubukas ng Brigada Eskuwela ngayong taon, inilunsad din ng DepEd-1 ang programang nakatuon sa scouting at pampalakasan sa mga paaralan.
Sa pagbabahagi ni Dr. Edilberto Abalos, pinuno ng education support services division ng DepEd- Ilocos region, layon ng programa na mapaunlad ‘holistically’ ang mga kabataan.
“Scouting is one (of the) best ways to teach children discipline. And sports is also essential as children now have no physical activities,” paliwanag niya sa ginanap na kumperensiya ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas - Pangasinan chapter kamakailan.
Ayon kay Abalos, hinihikayat nila ang mga paaralan na magtayo ng mga palaruan o playground para sa mga bata.
Iginiit din niya na ang disiplina ng mga bata ay dapat na nag-uumpisa sa tahanan.
“Parents should be the first teachers of children. The home should be the first place where discipline should be first taught,” pagbibigay-diin ni Abalos.
Samantala, nagpahayag din si Abalos ng suporta para sa pagpapatupad ng
Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), sa pagsasabing kinakailangan ito para mapalakas ang disiplina ng mga mag-aaral.
Sinabi rin niya na ang mga kaso ng umano’y mga pang-aabuso sa ROTC sa mga paaralan sa nakalipas ay isolated cases.
PNA