SUMAILALIM sa treatment ang Game of Thrones actor na si Kit Harington ilang araw matapos iere ang wakas ng naturang HBO television series, kung saan gumanap siya bilang ang heartthrob na si Jon Snow, inanunsiyo ng kanyang kinatawan nitong Martes.

KIT

“Kit has decided to utilize this break in his schedule as an opportunity to spend some time at a wellness retreat to work on some personal issues,” lahad ng tagapagsalita ng British actor.

Sumikat si Kit, 32, sa paglabas sa Game of Thrones, kung saan gumanap siyang si Jon Snow, na nanggulat sa huling episode ng serye.

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita

Hindi idinetalye kung anong isyu ang kinasasangkutan ni Kit, ngunit ayon sa Page Six column ng The New York Post, si Kit ay malubhang naapektuhan ng ending ng show at ginagamot para sa stress, exhaustion at alcohol use.

Dagdag pa ng Page Six, nag-check in siya sa isang clinic sa United States noong May 19, ilang linggo bago matapos ang medieval fantasy series.

Ang finale ay pinanood ng 19.3 million viewers sa United States pa lamang.

Dati nang ipinahayag ni Kit, na ikinasal sa kanyang Game of Thrones co-star na si Rose Leslie noong 2018, sa Variety na nahihirapan siyang tanggapin at harapin ang nararanasang kasikatan at atensyon dahil sa show, at tinawag niya itong  “terrifying.”

“I felt I had to feel that I was the most fortunate person in the world, when actually, I felt very vulnerable. I had a shaky time in my life around there - like I think a lot of people do in their 20s,” aniya sa Variety.