May pagkakataon ang Kamara de Representantes para ipatawag ang kontrobersiyal na si Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, sa oras na simulan ng Kongreso ang imbestigasyon hinggil sa pag-a-upload ng mga mapanira ngunit hindi napatunayang videos laban sa mga negosyante at pulitiko, kabilang ang pamilya ni Pangulong Duterte sa kasagsagan ng midterm election campaign.

BIKOY (21)

Ipinatatawag din nina Asst. Minority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang dalawang kumpanya ng social media—ang Faceboook at YouTube, upang magpaliwanag kung bakit hindi nito natanggal ang post ni Bikoy.

Sa inihaing House Resolution No. 2585, sinabi ni Garbin na nagtagumpay si Bikoy na pagbatikos at pagsira ng "good name, honor and reputation of the individuals", na isinasangkot sa viral na "Ang Totoong Drug List" series na kalaunan ay pinasinungalingan nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa inihaing resolusyon ni Garbin, hinihiling nito sa Committee on Information and Communications Technology na magsagawa ng imbestigasyon sa mga videos na inilabas ni Bikoy at iba pang kumakalat na post sa online.

Sa isang pulong-balitaan kahapon, binatikos nina Negros Oriental Rep. Arnie Teves at Garbin ang dalawang nabanggit na social media operators upang tugunan ang isyu sa mga user.

Nanawagan din si Garbin para sa passage of measure “to take down clause”, na magbibigay ng karapatan sa pamahalaan, nang hindi na kailangan ng korte, na iutos ang pagtatanggal ng mga social media contents na maituturing na libelous, seditious defamatory o taliwas sa mga probisyon ng kasalukuyang batas.

Nabanggit niya ang pagkamatay at ang self-inflicted physical harm ng mga biktima ng “Momo Challenge” at “Blue Whale Challenge” bilang rason para sa paghahain ng panukalang-batas.

Giit ni Garbin, naglalaman ang mga Bikoy videos ng mga malisyosong akusasyon laban sa pamilya ng Pangulo at iba pa, kabilang sina Elizaldy Co, may-ari ng Misibis Bay resort, isang five-star luxury hotel and resort sa Albay.

“The social media platforms need to develop security features and/or filtering practices in order to regulate any unlawful and/or harmful contents posted by their users,” aniya.

-Ben R. Rosario