DATI nang nagpahaging si Direk Cathy Garcia- Molina na gusto na niyang mag-quit sa pagdidirek para mai-devote ang buong panahon sa kanyang pamilya.

Kathryn, Direk Cathy, at Alden

Maganda ang track record ni Direk Cathy, na binansagang box-office director. Ang huli niyang pelikula, ang The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay itinuring na phenomenal hit, at mahirap pantayan.

At ngayon nga ay may bagong directorial assignment si Direk Cathy, ang Hello, Love, Goodbye. Very interesting ang project, dahil hindi si Daniel ang leading man ni Kathryn, kundi si Alden Richards. Whatever chemistry meron ang dalawa ay madarama natin kapag napanood na ang movie na tungkol sa mga OFWs, at kinunan sa Hong Kong.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa pamagat ay may salitang “goodbye”. Ito ba ay pagpapahiwatig na last movie na ito ni Direk Cathy? Or could it be na ang istorya ay hindi happy ang ending?

We don’t think tuluyang mamamaalam si Molina sa showbiz. Hindi siya basta-basta pakakawalan ng Star Cinema, since she is considered “the goose that lays the golden egg”

At hangad namin ang tagumpay ng pelikula sa takilya.

-REMY UMEREZ