ISANG Conference on the Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) ang idinaos ngayong Mayo sa Beijing, China, tuon ang mga paraan at hakbang upang mapasigla ang diyalogo, kasaganahan at kapayapaan para sa lahat sa mundo ngayon. Idinaos ito isang buwan matapos ang Belt and Road Initiative Forum for International Cooperation na dinaluhan ng 37 pinuno ng mga bansa at iba pang mga pambansang lider kasama ang nasa 5,000 iba pang delegado.
Ang hakbang na magsagawa ng Conference on the Dialogue of Civilizations in Asia “is a very important move to pave the way for the language of dialogue over the language of conflict,” pahayag ni dating Egyptian Minister of Culture Helmy Al-Namnam.
Dinaluhan ni Pangulong Duterte ang Belt and Road forum nitong nakaraang buwan at kabilang ang Pilipinas sa maraming bansa na naging bahagi ng lumalagong pangdaigdigang samahan ng mga bansa, na nagbabalik-tanaw sa sinaunang Silk Road na dating kinabibilangan ng ilang mga bansa mula Asya patungong Europa bilang mga magkakatuwang sa kalakalan.
Sa kasalukuyan, espesyal na benepisyaryo ang Pilipinas ng “language of dialogue” sa pagpili ni Pangulong Duterte na idaan sa pakikipagdiyalogo ang lahat ng mga isyu sa China. Sa ngayon China ang nangungunang katuwang sa kalakalan ng Pilipinas at pinagmumulan ng mga pamumuhunan.
Diyalogo rin ang pinili ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) imbis na komprontasyon, sa pagharap sa problema ng nagkakatalong pag-aangkin ng mga teritoryo sa South China Sea hindi lamang ang Pilipinas ngunit gayundin ang Vietnam, Malaysia at Brunei.
Sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kasalukuyan, nararanasan ang mga sigalot sa pagitan ng mga bansa na nagbabanta sa katatagan ng ekonomiya kasama ng kapayapaan ng mundo. Nakaapekto na ang nagaganap na trade war ng Estados Unidos at China sa maraming kumpanya na nasapol ng taripa na ipinatutupad ng US sa mga produktong galing China at ang ganti na taripa na ipinapataw ng China sa mga produktong US. Napabalita na rin ang lumalagong ‘worldwide anxiety’ hinggil sa masamang apekto ng palitan ng mga pagbabanta at ang resultang tila ‘roller-coaster’ na paggalaw ng financial markets.
Umaasa tayo na matatapos na ang komprontasyon lalo’t nagsisimula na itong ikabahala ng maraming bansa, kabilang ang Germany at iba pang mga bansa sa Europa kasama ng Japan at iba pang Asyanong bansa. Ang sigalot na makaapekto ng lubos mula sa wika ng diyalogo.