KUNG pagbabasehan ang huling kontrata ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap sa Rain or Shine, tila may hinuha na susunod na ang career sa pulitika.

YAP: Saka na muna ang pulitika

YAP: Saka na muna ang pulitika

Sa edad na 37-anyos, handa na ang pagbaba ng puting tabing sa career ni Yap, gayung may tatlong taong contract extension pang ibinigay ang Elasto Painters na magtatapos sa 2022 – ang taon ng eleksyon.

“Well, tignan natin (after three years). But isang matinding desisyon ito,” pahayag ni Yap sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Hindi rin naman basta-basta yung papasukin (politics), kaya kailangan handang-handa ka,” sambit ni Yap sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Lumakas ang ugong-ugong na tatakbo si Yap, tinaguriang “Big Game James”, bilang Vice Mayor ng San Juan dahil sa madalas nitong pakikisalamuha sa ilang political family sa lungsod matapos tulungan ang kandidatura ng kaibigan na si Mayor-elect Francis Zamora.

“Sa ngayon ang focus ko is tumulong muna kay Mayor. Ma-experience ‘yun ginagawa niya para makita ko din kung kakayanin ko. Sa ngayon, ok lang. Medyo kaya na parang hindi pa, so tignan natin” sambit ni Yap, nagwagi ng pitong titulo sa PBA bilang miyembro ng Magnolia/B-Meg/Star mula 2004 hanggang 2015 bago na-trade sa Rain or Shine noong 2016.

Sa ngayon, ang atensyon niya ay magabayan ang Rain or Shine sa championship. “Sa akin, gusto ko talaga makatulong ako sa team. Kung ano pwede kong gawin. Yun mag set ng good example sa mga kapwa ko players. Hard work palagi,” ayon sa pambato ng Escalante, Negros.

“Yun last conference, maganda na pinakita namin. Yun tinakbo ng team, very solid. Talagang nagtutulungan kami. Kahit natalo kami, madami kami natutunan. Pero syempre gusto namin higitan pa yun,” aniya.

Nagkakaisa sina Yap at kasangga na sina Beau Belga, Norbert Torres at Jvee Mocon na ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra ang team to beat sa PBA Commissioner’s Cup.

“San Miguel is going for the grand slam, so they will go really hard for it. Kailangan lahat kaming teams, nakahanda laban sa kanila,”aniya