CAMP OLA, Albay – Nasa 40 bloke ng cocaine, na tig-isang kilo bawat isa at tinatayang nagkakahalaga ng P218,400,000, ang nasilayan ng mga mangingisda na palutang-lutang sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes.

MAY LUMUTANG ULING DROGA! Inihilera nina Police Brigadier General Arnel Escobal, PRO-5 regional director at Colonel Bong Buslig ang 40 kahon ng cocaine, na nagkakahalaga ng P218,400,000, na lumutang sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes. (NIÑO LUCES)

MAY LUMUTANG ULING DROGA! Inihilera nina Police Brigadier General Arnel Escobal, PRO-5 regional director at Colonel Bong Buslig ang 40 kahon ng cocaine, na nagkakahalaga ng P218,400,000, na lumutang sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes. (NIÑO LUCES)

Ayon kay Brigadier General Arnel Escobal, director ng Police Regional Office 5 (PRO-5), ang narekober na mga droga ay nasilayan ng tatlong mangingisda na sina Melvin Gregorio y Cañeza, Loubert Ergina y Espinocilla at John Mark Nabong y Doro, pawang ng Barangay Bagacay, Gubat, Sorsogon.

Ayon kay Escobal, sa ganap na 2:00 ng hapon nitong Lunes, iniulat ng barangay captain ng Bagacay sa Gubat MPS ang pagkakarekober sa 9 na maliliit na kahon at tatlong malalaking kahon na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Kalaunan ay itinurn over ang mga kahon sa crime laboratory para sa pagsusuri.

"Na-examine na po ito ng crime lab at lumalabas na cocaine talaga siya. 40 bricks siya, pero yung isa ay residue na lang kaya nung tinimbang natin ay 39 kilos na lang," ani Escobal.

Ipinaliwanag ni Escobal na posibleng nagmula ang mga narekober na cocaine sa Latin America at nakatakdang ipadala sa Australia.

"Ina-assume natin na galing ito sa Latin America kasi doon naman talaga ang may manufacturing ng ganitong droga. Dalawang theory natin dyan, posibleng itinapon sa dagat dahil sa higpit makapasok siguro sa Australia lalo ang Navy nila o pwedeng sa dagat ang transaksyon kasi nung una, may nakuha kaming homing device na kasama nung narecover na cocaine. Pag-aaralan din natin ito kung kasama ito sa mga naunang narecover na cocaine kasi yung markings ngayon bago lang yan," diin ni Escobal.

Ayon kay Rogelito Daculla, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol acting assistant regional director, ang cocaine ay tinatayang nagkakahalaga ng P5.6 milyon kada kilo, habang ang narekober na ilegal na droga sa Gubat, Sorsogon ay may timbang na 1 kilo bawat isa, ayon kay Escobal.

"The recovery of the items with the help of the members of the community is once again a verification of the hard-wearing partnership of the PNP and public. As for the PNP, it will continue do its part to ward-off any illegal activities to ensure the safety and welfare of the people it serves," paliwanag ni Escobal.

Samantala, idinagdag ni Escobal na sa ngayon, base sa datos ng PRO-5, ang narekober na cocaine sa Gubat ay ang ikaanim na pagkakataon sa Bicol simula Pebrero ng kasalukuyang taon.

"So pang anim na ito ngayon taon lang. Meron tayong nakuha noong February 10 sa Vinzons, sinundan naman noong Februay 11, sa Vinzons din,  February 16 naman sa Paracale sa Camarines Norte yan at sinundan naman noong March 7 sa Baras Catanduanes, nung March 25 sa Bagamanoc naman sa Catanduanes pa din at heto yung latest, sa Gubat, Sorsogon," wika ni Escobal.

-Niño N. Luces at Fer Taboy