Isang batang babaeng mag-aaral ang napatay habang nasa 12 iba pa ang nasugatan sa pananaksak ng isang lalaki—na hinihinalang nagpakamatay pagkatapos—sa isang bus stop, malapit sa Tokyo, sa Japan, ngayong Martes ng umaga.

SAKLOLO Dumagsa ang rescue workers sa lugar kung saan 16 na katao ang nasugatan sa pananaksak ng isang lalaki sa karamihan ay mga batang biktima, sa Kawasaki, Japan, ngayong Martes ng umaga. REUTERS

SAKLOLO Dumagsa ang rescue workers sa lugar kung saan 16 na katao ang nasugatan sa pananaksak ng isang lalaki sa karamihan ay mga batang biktima, sa Kawasaki, Japan, ngayong Martes ng umaga. REUTERS

Sa ulat ng national broadcaster na NHK, batay sa police reports, tatlong adults ang kabilang sa mga nasugatan at isa sa mga ito ang walang vital signs, kasunod ng insidente sa siyudad ng Kawasaki, sa bandang timog ng Tokyo.

Iniulat ng NHK na namatay kalaunan ang suspek na pinigil sa lugar ng krimen.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang mga batang babaeng biktima, nasa edad anim hanggang pito, ay pawang estudyante ng isang pribadong Catholic school ata naghihintay sa kanilang school bus nang sumalakay ang suspek, ayon sa NHK.

Ang suspek, isang lalaki na nasa edad 40s o 50s, ay nawalan ng malay nang pinigil sa lugar ng krimen, matapos niyang saksakin ang sarili sa leeg, ayon sa mga ulat.

Batay sa salaysay ng mga saksi, bigla na lang sumugod ang suspek sa mga bus stop at pinagsasaksak ang mga tao roon, saka pumasok sa bus at umatake rin doon.

“I heard screaming, then I saw a man standing with a knife in each hand,” quoted ng NHK na kuwento ng hindi pinangalanang testigo. “Then he crumbled to the ground.”

Dalawang patalim ang narekober sa lugar ng krimen, ayon sa NHK.

Itinala naman ng Kawasaki City fire department sa 19 ang kabuuang bilang mga nasugatan, at tatlo sa mga ito ang kritikal sa mga tinamong sugat.

Reuters