May kasabihan nga, ang basura mo, babalik sa ‘yo.

Nakatakdang ibiyahe sa Huwebes, Mayo 30, pabalik sa Canada ang lahat ng 69 na containers ng basura na dinala sa Maynila anim na taon na ang nakalilipas.
Gamit ang Twitter, tiniyak ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., kahapon.
Matapos na sumailalim sa fumigation process sa Subic, sinabi ni Locsin na ang tone-toneladang basura ay “ready to go” at hinihintay na lang ang documentation procedures at go-signal mula sa China bago ito ibiyahe pabalik sa Canada.
"All containers containing garbage cleaned and ready to go. Waiting for a couple of documents and routine permission from China for transhipment to Canada. Departure is May 30,” tweet ni Locsin.
Nag-isyu rin si Locsin ng babala sa mga magiging sanhi ng pagkaantala sa pagbabalik ng mga basura sa Canada: “Anybody gets in the way one way or another, I will screw you dry. Don’t provoke me.”
-Roy C. Mabasa