PAPASOK sa ikalawang araw ang kompitesyon sa prestihiyosong World Slasher Cup 2 Invitational 9 -Cock Derby ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

ANTONIO: Tinaguriang sabong Idol.

ANTONIO: Tinaguriang sabong Idol.

Aasintahin ng mga kalahok ang 2 - 0 (panalo -talo) ngayon o kahit isang puntos sa second round elims (2 -cock) upang makapasok sa susunod na round.

“Magpapahirap sa mga kalahok ang bagong 9 -cock format na sinimulan noong 2017,” pahayag ni Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano.

Bukod -tanging sina Gov. Claude Bautista ng Mindanao at Chris Copas ng Kentucky, USA (CPB Chris) ang may 9 -0 (panalo -talo) sa WSC 1 nitong Enero.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Ang ibang kampeon: Greg at Frank Berin ( 8.5 points, January 2017); Frank Berin, Anthony Lim, Dante Eslabon at Escolin Brothers (8 points, May 2017); sabong idol Patrick Antonio (8.5 points, January 2018) at Rey Briones/Rod Advincula (7.5 points, May 2018).

Suportado ang derby na tinaguriang ‘Olympics of Sabong’ ng Thunderbird at Emperador habang media partners ang PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV.”, at The Sabong Chronicles.

Nasa listahan ang mga sumisibol na sabong celebrities gaya nina 2019 WPC Big Event champion Rey Canedo ng Davao, Cris Sioson ng Bataan, Marc Cruz at Jojo Gatlabayan ng Rizal, James Uy ng Manila, Honey Yu ng Quezon, Rey Escalona at vice mayor Jubee Navarro ng Pampanga, Roel Gatchalian ng Pasig, Celso Salazar ng Batangas, Willard Ty at Kenneth Liao ng Bicol at Mayor Jowar Bautista ng Bulacan.

Kasali rin sina WSC champs Nene Araneta, Peping Ricafort, Joey Sy, Noel Jarin, Dicky Lim, Biboy Enriquez, Ito Ynares, Anthony Lim, Vergil Intino, Lawrence Wacnang, Art de Castro, Magno Lim, Ed Apari, Honey Yu, Joey delos Santos at Rikki Reyes.