Patay ang mga driver ng pampasaherong bus at trailer truck, at 57 naman ang nasugatan makaraang magkasalpukan ang dalawang sasakyan sa New Diversion Road sa Barangay Sta. Catalina sa Atimonan, Quezon, hatinggabi ngayong Lunes.

COLLISION

Ang bus driver na si Jonathan Lireo pa lang ang kinilala, habang isinusulat ang balitang ito kahapon, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng driver ng truck.

Hindi pa rin natatagpuan ang kahaliling driver ng truck, ayon sa pulisya.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Dakong 12:00 ng hatinggabi kanina at tinatahak ng truck ang pababa at pakurbang bahagi ng highway sa lugar nang bigla itong kumabig sa kabilang lane, tumagilid, at bumangga sa paparating na Mark Eve Bus, na minamaneho ni Lirea, at may sakay na 56 na pasahero.

Kaagad na nasawi ang dalawang driver.

Kabilang sa mga nasugatan ang truck helper, at ang lahat ng pasahero ng bus, na isinugod sa iba’t ibang ospital sa Atimonan.

-Danny J. Estacio