BORACAY – Matikas na nakihamok sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, ngunit sadyang matibay ang karibal na sina Japanese Sakurako Fujii at Minori Kumada sa 17-21, 19-21 kabiguan na tumapos sa kampanya ng Team Philippines sa FIVB Beach Volleyball World Tour Boracay Open, sa pagtataguyod ng Globe nitong Sabado sa White House Beach Station 1.
Tumapos ang bansa sa nakalipas na Beach World Tour Manila Open 1-sa ikalimang puwesto, hindi sinasadya ang tambalan nina Sakurako at Shinako Tanaka, ang sumibak sa Pinay.
“We are still grateful na naging kalaban namin sila. Nag-gain kami ng experience,” pahayag ni Rondina.
“Hindi kami lumayo. Hindi kami tinalo na bugbog kami. Nakita naman na kaya namin. Kailangang mahabang preparations at ma-expose sa international tournaments,” sambit ni Pons.
Umusad ang Japanese sa smeifinals, sa kabilang ng matinding suporta ng home crowd.
“Everybody was cheering for the Philippines. But we just focused in our game,” sambit ni Sakurako.
Naunang nasibak sa laban sina Filipina duo Bea Tan at Dij Rodriguez kontra reigning two-time Asian U21 champions Pawarun Chanthawichai at Thatsarida Singchuea ng Thailand, 12-21, 12-21, sa Round of 12 duel.