NAKOPO ng Pasigueño ang upuan sa South Division semifinals matapos iposte ang 88-80 upset kontra Caloocan-Gerry’s Grill nitong Sabado sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Rumatsada ang Pasigueño, 33-17, sa fourth canto upang magapi ang Caloocan na halos naghabol sa kabuuan ng laban.

Jerwin Gaco (Metro League photo)
Jerwin Gaco (Metro League photo)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagtala si import Eugene Toba Okwuchukwu ng 19 puntos at 8 rebounds upang tulungan si ex-pro Jerwin Gaco na tumapos na may 19 puntos, 16 rebounds at 6 na assists para pangunahan ang panalo.

Dahil sa panalo, umangat ang Pasigueño na nakakuha din ng 15 puntos mula kay Timoteo III Gatchalian at tig-11 puntos mula kina Jobert Medina at Ryusei Koga sa pstas na markang 3-3, kasunod ng Bacoor (8-0) at Taguig (6-2) sa South Division ng torneo na gamit ang SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet service provider ay Manila Bulletin bilang media partner.

Bumaba naman ang Caloocan sa markang 4-3kasalo ng reigning All-Filipino champion Valenzuela-San Marino sa ikalawang puwesto ng North Division.

Sa sumunod na laro, lalo pang umagwat ang Bacoor Strike sa Serbisyo matapos ang 93-78 panalo nila kontra Marikina.

Nanatiling walang talo ang Bacoor matapos ang walong laro sa tuktok ng South Division na itinataguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

Pinamunuan ni RJ Ramirez ang naturang panalo sa itinala nyang 13 puntos, 4 rebounds at 6 assists.

Bumagsak naman ang Marikina kartadang 1-5 sa North Division ng ligang ito na suportado rin ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation.

Iskor: (Unang Laro)

Bacoor (93) -- Ramirez 13, Castro 10, Aquino 10, Mabulac 9, Miranda 8, Ochea 8, Montuano 8, Doligon 8, Bugarin 4, Galicia 4, Descamento 4, Pangilinan 3, Malabag 2, Maligon 2, Acuna 0

Marikina (78) -- Po 19, Catipay 16, Gines 15, Deles 14, I. Mendoza 12, Basco 2, Zapanta 0, R. Mendoza 0

Quarterscores: 22-7, 39-30, 65-50, 93-78

(Ikalawang Laro)

Pasigueño (88) -- Okwuchukwu 19, Gaco 19, Gatchalian 15, Medina 11, Koga 11, Sorela 7, Caranguian 6, Doroteo 0,

Caloocan (80) -- De Mesa 16, Niang 15, Sombero 8, Darang 8, De Leon 8, Bauzon 7, Enriquez 6, Tay 0, Ortiz 0

Quarterscores: 26-21, 39-42, 55-63,88-80