Magpapatupad ng oil price rollback sa bansa bukas.

(REUTERS/Paulo Whitaker/File Photo)

(REUTERS/Paulo Whitaker/File Photo)

Sa pahayag ng Shell, Flying V, PTT Philippines, Petron, Petro Gazz, at Eastern Petroleum, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Mayo 28, ay nagbawas ang mga ito ng 45 sentimos sa kada litro ng diesel, at 35 sentimos naman ang tinapyas sa gasolina.

Bukod pa rito ang 60 sentimos na bawas-presyo sa kerosene ng Shell, Flying V, at Petron.

'I did nothing wrong!' Vitaliano Aguirre, tinalakan ICC

Unang nagpatupad ng rollback sa presyo ng petrolyo ang Phoenix Petroleum nitong Linggo, habang ngayong Lunes naman ang sa Seaoil, na sinundan ng Caltex ng 12:01 ng umaga bukas.

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Mayo 14 huling nagtapyas ang oil firms ng P1.25 sa gasolina at 30 sentimos sa kerosene.

-Bella Gamotea