Diretsahang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang bumaba sa puwesto at iwasan ang paglulunsad ng kudeta sakaling ayawan na ng mga sundalo at pulis ang kanyang liderato.

DUTERTE

Sa talumpati ng Pangulo sa isang thanksgiving party sa Davao nitong weekend, sinabi nitong hindi niya nanaising magkaroon ng girian at magpalitan ng putok ang mga pulis, sundalo at miyembro ng Presidential Security Group (PSG), kaya mas gugustuhin niyang magbitiw sa puwesto kung kailanganin.

Ayon pa sa Pangulo, hindi siya makapapayag na magkaroon ng labanan at may magbuwis ng buhay para sa kanya, at mas mamarapatin niyang lisanin ang pagka-pangulo ng bansa kung hihilingin ng mga pulis at sundalo na magbitiw na siya sa puwesto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, binanggit din ng Pangulo na sakaling isuko niya ang puwesto, nais niyang isang babae ang pumalit sa kanya bilang pangulo ng bansa.

-Beth Camia