MATAAS ang lipad ng live-action ng Aladdin ng Disney, sa nalikom nitong $105 million sa North America sa kalilipas lang na four-day Memorial Day holiday weekend.

ALADDIN

Ito ang ikaanim na pinakamalaki ang kinita sa Memorial Day weekend total sa kasaysayan. Dinomina rin ng Aladdin ang mga sinehan sa ibang mga bansa sa nalikom ng $121 million sa 56 na bansa.

Nalagpasan ng Aladdin ang pre-opening domestic projection para rito, na $75 million hanggang $85 million lang, dahil tumabo ito ng $86.1 million sa unang tatlong araw ng pagpapalabas nito.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang reboot ng original 1992 animated movie — na kumita ng $502 million sa buong mundo – at pinagbibidahan nina Mena Massoud bilang si Aladdin, Will Smith bilang ang Genie, Naomi Scott bilang si Jasmine at Marwan Kenzari as Jafar.

Si Guy Ritchie ang nagdirihe ng Aladdin, at produced naman nina Dan Lin at Jonathan Eirich.

“A very solid Memorial Day weekend was led by the bigger-than-expected performance of Disney’s ‘Aladdin’ conjured up huge numbers of moviegoers looking for the perfect family-friendly treat over the extended holiday weekend,” lahad ni Paul Dergarabedian, senior media analyst ng Comscore.

Ang Aladdin ang ikatlong biggest launch ngayong 2019, kasunod ng record-setting na $357 million na kita ng Avengers: Endgame at $153 million para sa Captain Marvel.

Reuters